394 - Sa Puso Ni Jesus

Sa puso ni Jesus iniibig ka,
Tapat na pag-ibig, di mag-iiba;
Bakit malulungkot at magdurusa,
Gayong puso Niya ang 'yong pag-asa?

Sa isip ni Jesus alaala ka,
Sintimyas ng hamog pagka-umaga;
Bakit mangangamba't mababalisa,
Yamang alaala ng isip Niya?

Sa bukid ni Jesus mayro'ng gawain,
Na ang mga anghel galak na tupdin;
Bakit hangad mo pa'y ibang tungkulin,
Gayong ang bukid N'ya'y handang anihin?

Sa tahanan Niya mayro'n kang lugal;
Maluwalhati at payapang tunay;
Bakit nga gagalang may pagkapagal,
Kung sa tahanan N'ya ikaw ay hintay?

0:00 0:00